TINIYAK ng Department of Health na pinaiiral ng Bureau of Quarantine ang mga protocol nito batay sa latest na guidelines ng World Health Organization kasunod ng nadiskubreng kaso ng Nipah Virus sa India.
Ayon sa DOH, sa ngayon ay wala pa namang international recommendation para magpatupad ng paghihigpit sa pagbiyahe.
At dahil nananatiling bukas ang mga border ng bansa, siniguro ng DOH ang proactive border screening ng BOQ kabilang ang online health declaration, thermal scanning sa mga dumarating na pasahero at trained observation sa mga manlalakbay.
Namamahagi din na din ng impormasyon at materyales ang BOQ patungkol sa Nipah Virus kabilang ang mga sintomas nito, paraan ng pagkahawa at kung paano maiiwasan.




