IKINABAHALA ng Bureau of Immigration ang nadiskubreng abortion cases mula sa ni-raid na wellness clinic na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa Pasay City kamakailan.
Sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval, na una nang dinakip ng Immigration at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Officers ang tatlong Vietnamese at dalawang Chinese Nationals na nagta-trabaho sa clinic.
ALSO READ:
Phase 1 ng EDSA Rehab, inaasahan ng DPWH na matatapos sa Hulyo
German, arestado sa NAIA matapos mahulihan ng 55 million pesos na halaga ng shabu na itinago sa mga bibliya
Driver ng kotse na nabagsakan ng estudyante sa EDSA, pinalaya ng mga awtoridad
Lalaki, patay matapos tumalon mula sa FPJ Station ng LRT-1 sa Quezon City
Aniya, nakaaalarma dahil sa unang tingin ay cosmetics at beautification ang iniaalok sa wellness clinic, subalit nadiskubre ng PAOCC at BI na mayroon din palang nagaganap dito na abortion practices.
Inihayag ni Sandoval na walang permit ang clinic at wala ring work visas ang mga nagta-trabaho rito.
