IIMBESTIGAHAN ng Bureau of Immigration ang reports na nakalabas na ng bansa ang self-confessed hitman na si Edgar Matobato.
Pahayag ito ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval, makaraang hilingin ng mga mamamahayag na kumpirmahin nito ang pagpuslit palabas ng bansa ng nagpakilalang Davao Death Squad (DDS) hitman.
ALSO READ:
2 impeachment complaints laban kay VP Sara, idineklarang sufficient in grounds
P3.5 billion, inilaan para tulungan ang mga OFW na apektado ng gulo sa Gitnang Silangan
Excise tax sa oil products, hindi pa malinaw sa Palasyo kung sususpindihin o babawasan
Dagdag-pasahe, ipinag-utos ni PBBM na suspindihin
Sa inilathalang artikulo ng New York Times, nakalabas ng bansa si Matobato, kasama ang kanyang pamilya, sa pamamagitan ng pekeng identity at travel documents.
Matatandaan na si Matobato ang isa sa mga unang tumestigo laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong September 2016 kaugnay ng mga pagpaslang sa war on drugs.
