Inaasahan ang pagdagsa ng mga turista sa Bulgaria ngayong winter season!
Sa pagtaya ng Institute of Analysis and Assessment in Tourism sa naturang bansa, lalagpas sa 1.7 million ang tourst arrivals, na mas mataas kaya noong 2019 o bago mag-pandemic.
Inaasahan namang mas pipiliin ng Israeli toursists ang Bulgaria ngayong holiday season dahil sa umiiral na kaguluhan sa Gaza Strip.
Hindi rin umano makaaapekto ang dalawang military conflict sa kanilang turismo para sa taong 2024.
Nasa 1.3 million Turkish visitors naman ang inaasahang bibisita sa Bulgaria.