NAKAPAGTALA ang PHIVOLCS ng hindi bababa sa apatnapung Pyroclastic Density Current (PDC) events sa Mayon Volcano, sa Albay, simula Huwebes ng hatinggabi.
Nai-record din ng ahensya ang isa pang insidente ng dome-collapse PDC mula sa tuktok ng bulkan, 6:51 A.M., kahapon.
ALSO READ:
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Nag-generate ito ng 1,000 meters ng grayish CO-PDC ash clouds, bago tinangay ng hangin patungong kanluran hilagang kanluran.
Dahil sa PDC events o tinatawag na “uson” ng mga Bicolano, naiulat ang manipis na ashfall sa Legazpi City, Ligao City, Bacacay, Camalig, at Barangay Anislag sa Daraga, Albay.
