9 April 2026
Calbayog City
Business

Budget deficit, naitala sa 171.2 billion pesos noong Pebrero

NAKAPAGTALA ang pamahalaan ng mas mababang deficit noong Pebrero.

Batay sa datos na inilabas ng Bureau of Treasury, 171.2 billion pesos ang naitalang deficit ng gobyerno, na mas mababa ng 0.14% kumpara noong Enero.

Iniugnay ng Treasury ang mas mababang budget deficit sa maagang remittance ng mga dibidendo na nagtulak para lumago ang kita ng pamahalaan ng 43.5%.

Dahil dito, bahagyang na-offset ang 25.83% na increase sa expenditures sa naturang panahon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).
Listen Live