23 July 2025
Calbayog City
Entertainment

BTS, mayroon nang mahigit 30 million Weverse Subscribers

NAGTALA ng bagong Benchmark para sa Global Fan Engagement ang K-Pop Phenomenon na BTS, bago ang kanilang pinaka-aabangang pagbabalik sa susunod na taon.

Ang BTS ang kauna-unahang artist na lumagpas sa 30 million ang Subscribers sa Weverse.

ugreen

Inanunsyo ng HYBE na mahigit 30 million fans ang kasali na ngayon sa community ng Boy Band sa Weverse, isang platform na idinisenyo para magkaroon ng Direct Interaction sa pagitan ng artists at kanilang followers.

Sa pamamagitan nito, maaring mapanood ng fans ang Live Broadcasts, maka-chat ang BTS members in Real Time, at makabili ng Concert Tickets at Official Merchandise.

Sa kasalukuyan ay naghahanda na ang K-Pop Group para sa kanilang ire-release na album, matapos makumpleto kamakailan ng lahat ng miyembro ang kanilang Mandatory Military Service.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).