ITINANGHAL sina Bryan Bagunas at Eya Laure, dalawa sa pinakamaningning na volleyball stars ng bansa, bilang ambassadors sa pagho-host ng pilipinas sa 2025 FIVB Men’s World Championship sa setyembre.
Inanunsyo ito ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) kahapon, ilang buwan na lamang ang nalalabi para sa prestihiyosong global event na gaganapin sa bansa sa kauna-unahang pagkakataon.
ALSO READ:
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Sina Bagunas at Laure ay kapwa icons ng sport na nagsilbing kinatawan ng bansa sa international stage.
Si Bagunas ay bahagi ng national team na nakasungkit ng makasaysayang silver medal noong 2019 Southeast Asian Games habang si Laure ay bahagi ng national women’s team sa ilalim ni head coach Jorge De Brito.
