UMALIS na ang barko ng Philippine Coast Guard na BRP Teresa Magbanua sa Sabina Shoal sa West Philippine Sea, ayon sa National Maritime Council.
Sa report ng USNI News, na-track ang BRP Teresa Magbanua sa pamamagitan ng AIS Data na umalis ng Sabina Shoal noong Biyernes at naglayag sa Sulu Sea.
Ang barko ng PCG ay nanatili sa Sabina Shoal o kilala rin sa tawag na Escoda Shoal simula noong April 15.
Una nang inihayag ng PCG noong Mayo na itinatapon ang mga durog na corals malapit sa Sabina Shoal, kagaya ng naobserbahan nila sa Sandy Cay.
Naniniwala ang PCG na ang pagtatapon ng corals ay posibleng paghahanda sa reclamation activities ng China para magtayo ng mga istruktura sa ibabaw ng maritime feature, na mas malapit sa Palawan kumpara sa pinagtatalunan ding Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.