PATAY matapos pagsasaksakin ang isang Barangay Kagawad sa loob mismo ng kanyang bahay sa Bayan ng Rosario, Northern Samar.
Nangyari ang insidente pasado alas 9:00 umaga, araw ng pasko, December 25, 2023 sa Brgy. Aguada sa nabanggit na Bayan.
Kinilala ng mga otoridad ang biktimang si Kagawad Teddy Francisco Suano, 55-anyos, may-asawa at ang suspek naman ay kinilalang si Samuel Ginto Bobier, 44 anyos, walang asawa at walang trabaho.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang pumasok ang suspek ang bahay ng biktima at inundayan ng saksak gamit ang armas na kung tawagin ay “dipang” na may habang 42-centimetros.
Ayon sa Rosario PNP, personal na galit ang posibleng motibo sa krimen.
Naisugod pa sa Northern Samar Provincial Hospital ang biktima subalit ideneklara itong dead-on-arrival.
Samantala, agad namang naaresto ang suspek at dinala muna ng mga pulis sa ospital para ipagamot ang mga sugat sa kanyang mga daliri.
| via Voice Radio 97. 3 Catarman & Omega online news