4 July 2024
Calbayog City
Local

Brgy. Chairwoman, binaril sa Brgy. Obrero, Calbayog City, Samar

chairwoman

Isang babae na sakay ng pedicab ang binaril kahapon bandang 12:24 ng tanghali Oktubre 2, 2023 araw ng lunes, sa Rotonda Brgy. Obrero, Calbayog City. 

Kinilala ang biktima na si Susan Sumulong, limampung (50) taong gulang, Brgy. Chairwoman ng Brgy. Calocnayan, Seven Hills Calbayog City. 

Base sa imbistigasyon ng PNP Calbayog habang sakay ang biktima ng pedicab ng barilin sa likod ng hindi pa nakikilalang kalalakihan. Agad na dinala ang biktima sa Calbayog District Hospital para malapatan ng medikal na lunas ang tinamong tama ng bala. 

Samantala, agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo. Habang nagsagawa naman ng manhunt operation ang Calbayog Police station para sa posibleng pag aresto sa mga salarin. 

miriam timan
Currently the President of Kabalikat Civicom 427, Calbayog Chapter. She used to be a volunteer of Eagle News Network based in Metro Manila and is now the Correspondent-at-large of Infinite Radio

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *