EXTENDED ang winning streak ng Boston Celtics sa limang laro, matapos tambakan ang New York Knicks, sa score na 118-105.
Pinangunahan ni Jayson Tatum ang Celtics sa kanyang 25 points, 10 rebounds, at 9 assists habang nag-ambag si Jaylen Brown ng 24 points at walong rebounds.
Nagdagdag din sina Derrick White ng 19 points; Kristaps Porzingis, 15 points; at Jrue Holiday, 14 points.
Pangalawa sa eastern conference standings ang Celtics nang pumasok ito sa game, tatlong games ang lamang bago ang nasa ikatlong pwesto na Knicks.
Mayroon namang 0-3 record ang New York laban sa Boston ngayong season.