ISINAILALIM sa State of Calamity ang Borongan City sa Eastern Samar bunsod ng African Swine Fever (ASF).
Ayon sa lokal na pamahalaan, umabot na sa 34 hog raisers mula sa labindalawang mga barangay, kabilang ang Maypangdan, Tabunan, Siha, San Jose, at San Gabriel ang apektado na ng ASF mula sa dalawang barangay lamang noong Marso.
Noong Lunes ay ipinasa ng City Council ang Resolution No. 55, Series of 2025, upang maisalalim ang Borongan sa State of Calamity, kasunod ng rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, na pinamumunuan ni Mayor Jose Ivan Dayan Agda.
Sa pamamagitan din ng deklarasyon ay hinimok ang City Veterinary Office na regular na magsumite ng reports sa Sangguniang Panglungsod hinggil sa pamamahagi ng pondo at updates sa sitwasyon sa panahon ng State of Calamity.