Dumalo si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa Eastern Visayas Regional Launch ng Bisita, Be My Guest campaign ng Department of Tourism (DOT), sa Summit Hotel sa Tacloban City.
Ang Bisita, Be My Guest ay imbitasyon ng DOT sa Overseas Filipino Workers, dati man o kasalukuyang OFWs na anyayahan ang kanilang mga dayuhang kaibigan, kasamahan sa trabaho o kamag-anak na pumasyal sa Pilipinas at maranasan ang ganda, pati na ang pagmamahal ng mga tao sa bansa.
Ang inilunsad na programa ay pinangunahan ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco.