IBINIDA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang matatag na simula 2026, batay sa kanilang preliminary collection performance.
Nakakolekta ang BIR ng kabuuang 530.055 billion pesos simula Jan. 1 hanggang Feb. 28, 2026.
ALSO READ:
Hindi lamang nito nalagpasan ang collection goal ng ahensya na 527.775 billion pesos ng 2.280 billion pesos o 0.43 percent ng net of tax refund.
Mas mataas din ito ng 15.307 billion pesos kumpara sa 514.748 billion pesos na nakolekta sa kaparehong panahon noong 2025.
Ang maagang performance ng BIR ngayong 2026 ay katumbas ng 2.97 percent na year-on-year growth sa net collections.




