2 July 2025
Calbayog City
Entertainment

BINI, muling nakasama ang kanilang Pinoy fans matapos ang 15-City World Tour

MATAPOS ang labinlimang shows sa iba’t ibang panig ng mundo, muling nakasama ng P-Pop Girl Group na BINI ang Filipino fans sa kanilang “Here With You” Homecoming Fan Meet, na ginanap sa MOA Arena, noong linggo.

Nag-grand entrance ang BINI sa Jampacked Arena sakay ng isang bus prop, habang kumakaway sa mga fans, kasabay ng opisyal nilang pag-uwi sa bansa.

Ito ang first major appearance ng grupo, kasunod ng “BINIverse” World Tour, na nagsimula noong Pebrero sa Bulacan at nagdala sa kanila sa Canada, United Kingdom, United States, at Middle East.

Nagsilbi ang show bilang selebrasyon sa journey ng girl group at pasasalamat sa kanilang fandom na kilala sa tawag na Blooms.

Itinampok din ang First Live Philippine Performance ng BINI sa kanilang latest tracks na “Shagidi,” “Zero Pressure,” at “Out Of My Head.”

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).