4 May 2025
Calbayog City
Entertainment

BINI Management, idedemanda ang mga nagpapakalat ng ‘deepfake’ photos at videos ng girl group

Nakatakdang kasuhan ng management ng BINI ang mga indibidwal na nagpapakalat ng “deepfake” photos at videos ng nation’s girl group sa social media.

Nanawagan ang blooms o mga fans ng BINI sa online na protektahan ang kanilang mga idolo laban sa mga malisyosong posts.

Nakasaad sa official account ng grupo sa kanilang social media pages, na kumikilos na ang kanilang team para maalis ang mga account, at nakikipag-ugnayan na rin sila sa proper government agencies at authorities para matukoy ang mga indibidwal na nasa likod ng iligal na gawain.

Idinagdag ng management na ang kaligtasan at at kapakanan ng nation’s girl group ang kanilang “top priority.” Patuloy umano nilang babantayan at aaksyunan ang anumang uri ng exploitation o harassment.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).