UMABOT sa mahigit 68 million ang bilang ng mga registered voter para sa 2025 National and Local Elections.
Ayon sa Comelec, as of Oct. 31, nasa 68,618,667 ang bilang ng mga rehistradong botante para sa halalan sa susunod na taon.
Sa naturang bilang, 33,690,884 ay mga lalaki habang 34,927,783 ang mga babae.
Kabuuang 1,667 Office of Election Officers (OEO) ang tumanggap ng registrations.
Pinakamarami ang nagpa-rehistro sa region 4A o CALABARZON na nasa 9,764,170; sumunod ang Central Luzon, National Capital Region at Ilocos Region.
Pinakamababa naman ang bilang ng mga nagpa-rehistro sa Cordillera Administrative Region.