29 December 2025
Calbayog City
National

Bilang ng mga nasugatan dahil sa mga paputok, lagpas na sa 100 – DOH

LUMOBO na sa isandaan at labindalawa ang bilang ng mga nasugatan dahil sa mga paputok, ilang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.

Sa datos mula sa Department of Health (DOH), simula Dec.21 hanggang 28, Metro Manila ang nakapagtala ang pinakamataas na firework-related injuries na may 52 cases.

Sumunod ang Ilocos Region, labindalawa habang tig-siyam ang Central Luzon at Western Visayas.

Sa kabila nito, sinabi ng DOH na ang naturang bilang ng firework-related injuries ay mas mababa ng 26% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.