PATULOY ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi sa Myanmar, sa gitna ng pagdating ng foreign rescue teams, gayundin ng tulong sa bansang inuga ng malakas na lindol.
Noong Biyernes ay niyanig ng magnitude 7.7 na lindol ang Myanmar, na itinuturing na pinakamalakas sa loob ng isang siglo.
18 anyos na babae na may mental health issues, salarin sa mass shooting sa paaralan sa Canada
Lalaki sa Thailand, sinentensyahan ng hanggang 50 years na pagkabilanggo dahil sa pang-iinsulto sa hari
Royal Palace sa Britain, handang tumulong sa mga otoridad hinggil sa koneksyon ni Former Prince Andrew kay Jeffrey Epstein
14, patay sa pagguho ng gusali sa Tripoli City sa Lebanon
Ayon sa military government, hanggang kahapon, ay umabot na sa 1,700 ang nasawi; 3,400 ang nasugatan habang mahigit tatlundaan pa ang nawawala.
Nagbabala si Junta Chief, Senior General Min Aung Hlaing, na posibleng tumaas pa ang death toll, kasabay ng pag-amin na nahaharap ang kanyang administrasyon sa isang malaking pagsubok.
Kabilang sa mga nagpadala na ng relief materials at teams sa Myanmar ang India, China at Thailand, gayundin ang aid at personnel mula sa Malaysia, Singapore at Russia.
