Lumobo na sa halos dalawampu’t pitunlibo ang nasawi, habang mahigit animnapung libo, ang nasugatan sa nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Israel at grupong hamas.
Ito ay matapos atakihin ng Israeli Defense Forces ang Al-Amal Hospital at Nasser Medical Complex sa Khan Yunis City.
Libo-libong tauhan ng naturang mga pagamutan ang lumikas, bunsod ng walang-patid na bakbakan ng Palestinian Militant Group at Israeli forces.
Dahil dito, magpapatupad ng mga hakbang ang UN Security Council para sa ikakasang ceasefire.