4 December 2025
Calbayog City
Sports

Japeth Aguilar, nagretiro na sa Gilas Pilipinas

ISASABIT na ni Japeth Aguilar ang kanyang national team jersey.

Pormal na inanunsyo ni Aguilar ang kanyang pagreretiro mula sa national team duties, ilang minuto bago ang game ng Gilas Pilipinas laban sa Guam, para sa 2025 FIBA World Cup Asian Qualifiers, kagabi.

Ang kanyang retirement ay inanunsyo sa isang pamilyar na venue – sa Blue Eagle Gym, kung saan ginugol ni Japeth ang dalawang taon ng kanyang collegiate career sa Ateneo De Manila University.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).