Isang korean ship ang dumating sa Tabaco, Albay para lumahok sa dalawang linggong Pacific Partnership Mission sa Legazpi City, kasama ang United States naval ship na naunang dumaong sa lugar.
Sakay ng South Korean naval ship ang mahigit isandaang tripulante, na bumiyahe ng halos limang araw mula sa South Korea.
ALSO READ:
5 barangay sa Negros Oriental, mahigpit na binabantayan kasunod ng pagbuga ng abo ng Bulkang Kanlaon
Mga manggagawa sa Central Luzon, may dagdag-sahod simula sa Oct. 30
F2F Classes, suspendido sa buong Laguna hanggang sa Oct. 31
4 katao, patay makaraang araruhin ng truck ang mga sasakyan at kabahayan sa Lucena City sa Quezon
Karamihan sa personnel na lulan ng Korean ship ay medical staff, engineering personnel, at civilian experts.
Bago dumating ang Korean navy, dumaong na ang US navy fast transport na USNS City of Bismarck sa Legazpi City port, na may 200 personnel, kabilang ang military at medical teams mula sa Australia, United Kingdom, at US.