NAGSASAGAWA ng assessment ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Eastern Visayas kaugnay ng Illegal, Unreported, and Unregulated Fishing (IUUF) sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon para palakasin ang pamamahala sa pangisdaan.
Ang assessment sa major fishing grounds sa rehiyon ay isinagawa sa pamamagitan ng IUU Fishing Index and Threat Assessment Tool (IFIT), na dinivelop ng United States Agency for International Development.
1-billion peso support fund, magpapalakas sa zero balance billing sa provincial hospitals
DOH, binuksan ang kauna-unahang mall-based wellness clinic sa Eastern Visayas
Halos 1,300 na residente sa Calbiga, Samar, may direktang access na sa malinis at ligtas na inuming tubig
6 na miyembro ng NPA, sumuko sa mga awtoridad sa Eastern Visayas
Sinabi ni BFAR Eastern Visayas Regional Information Officer Christine Gresola na ongoing ang assessment sa Biliran Island.
Aniya, ang resulta ng assessment ay magsisilbing baseline data para sa pina-planong targeted monitoring, control, and surveillance interventions na naglalayong palakasin ang fisheries governance at mabawasan ang iligal na pangingisda.
Noong nakaraang taon ay nakumpleto ng BFAR ang aktibidad sa Guiuan, Eastern Samar at sa Sogod bay at Silago-Cabalian Bay sa Southern Leyte.
