NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) laban sa Red Tide Toxin sa Matarinao Bay sa Eastern Samar.
Ito’y matapos magpositibo sa Red Tide sa Confirmatory Examination ng BFAR – National Fisheries Laboratory Division, ang nakolektang Shellfish Meat Samples mula sa naturang katubigan.
Upang maprotektahan ang publiko habang hinihintay ang paglalabas ng National Shellfish Bulletin at Advisory, pinayuhan ng ahensya ng publiko na iwasan ang paghango, pagbebenta at pagkain ng shellfish, gaya ng tahong at talaba, pati na alamang mula sa Matarinao Bay.
Ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango, basta’t sariwa at linisin itong mabuti, alisin ang mga bituka at hasang, saka lutuing mabuti bago kainin.