PUMANAW si BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago sa edad na limampu’t walo.
Sa social media, nagbigay pugay ang Binibining Pilipinas (BBP) organization kay Sara, at ibinahagi ang kanyang mga litrato nang siya ay manalo noong 1989.
Pinasalamatan ng BBP ang pumanaw na dating beauty queen sa pagbabahagi ng kanyang sarili at sa karangalan na ibinigay nito sa organisasyon.
Hindi naman tinukoy sa post ang dahilan ng pagkamatay ni Sara.




