NAGTAPOS si BB Gandanghari ng Summa Cum Laude sa kursong Bachelor of Science and Entertainment Business sa Los Angeles Film School.
Ibinahagi ni BB ang magandang balita sa Instagram post sa pamamagitan ng pag-upload ng video mula sa kanyang graduation ceremony.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Bukod sa tinanggap na Latin Honors, kinilala rin si BB bilang Student of the Month at miyembro rin ng Honor Society of Los Angeles.
Una nang inihayag ni BB na pumasok siya sa Film School dahil nais niyang isulong ang karera sa pagpo-produce at pagdi-direk.
