ISINAILALIM sa state of calamity ang bayan ng Villadolid sa Negros Occidental bunsod ng lawak ng pinsalang idinulot ng pinaigting na habagat ng mga bagyong Ferdie, Helen, at Gener.
Inarubahan sa special session ng lokal na pamahalaan ang deklarasyon ng state of calamity, matapos maapektuhan ng malalakas na pag-ulan at pagbaha ang lahat ng labing anim na barangay sa naturang bayan.
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Ayon kay Irene Bel Plotenia, Provincial Disaster Management Program Division Head, mahigit siyamnalibong pamilya ang naapektuhan ng masamang panahon sa Villadolid.
Tinaya rin aniya sa 18.8 million pesos ang halaga ng pinsala sa mga pananim habang 42,000 pesos ang nalugi sa aquaculture at halos 20,000 pesos sa livestock sectors.
Una nang isinailalim sa state of calamity ang tatlo pang lugar sa Negros Occidental na kinabibilangan ng La Carlota City, at mga bayan ng Hinigaran, at San Enrique.
