DALAWANG bata ang natagpuang patay sa loob ng kotse sa barangay San Matias, sa Santo Tomas, Pampanga.
Nakita ang mga bangkay sa isang open parking space, limandaang metro ang layo mula sa kanilang bahay, matapos makatanggap ng report ang mga pulis mula sa concerned citizens.
ALSO READ:
5 hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Lagonoy, Camarines Sur
Bulkang Kanlaon sa Negros, muling nagbuga ng abo
Batang babae, nailigtas mula sa nasawing hostage taker sa Marawi City
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Ang dalawang bata na edad lima at anim, ay magkapatid.
Ayon sa ina ng mga biktima, huli niyang nakita ang mga anak noong Sabado nang pakainin niya ang mga ito ng tanghain.
Hindi umano nag-alala ang ina kahit hindi niya nakita kinagabihan ang mga anak dahil naisip niyang baka kinuha ang mga ito ng kanilang ama na taga-kabilang barangay lamang.
Nalaman lamang ng ginang na nawawala ang kanyang mga anak nang matagpuan na ang kanilang mga bangkay.
