15 March 2025
Calbayog City
Province

Bataan, muling isinailalim sa state of calamity bunsod ng oil spill

MULING idineklara ang state of calamity sa lalawigan ng Bataan bunsod ng banta ng oil spill matapos ang sunod-sunod na insidente sa karagatan.

Nilagdaan ni Bataan Governor Joet Garcia ang sangguniang panlalawigan resolusyon matapos maapektuhan ng oil spills ang  labimpitunlibong mangingisda sa probinsya.

Sa report  ng Provincial Social Welfare and Development Office, sinabi ni Garcia na 10,174 families sa limay at 4,822 families naman sa Mariveles ang naapektuhan.

Kamakailan lamang ay isinailalim ang Bataan sa State of Calamity kasunod ng pananalasa ng Habagat na pinaigting ng bagyong Carina.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).