3 January 2026
Calbayog City
National

Barangay officials, maaring sumama sa kampanya subalit hindi sa oras ng trabaho, ayon sa COMELEC

PINAPAYAGAN ang mga opisyal ng barangay na lumahok sa partisan political activities, gaya ng pangangampanya, subalit hindi sa oras ng kanilang trabaho.

Ginawa ni COMELEC Chairman George Garcia ang pahayag, kahapon o isang araw bago ang simula ng campaign period para sa local bets, ngayong Biyernes.

Ipinaalala ni Garcia na ang paggamit ng bayad na oras para mangampanya para sa mga lokal na kandidato ay nasa ilalim pa rin ng pag-abuso sa state resources.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).