Maagang pamasko ang natanggap ng Barangay Macatingog sa Calbayog City.
Sa seremonya na pinangunahan ni Mayor Raymund Monmon Uy, itinurnover ang isang bagong school building at street lights sa naturang barangay.
Ang dalawang proyekto na nagkakahalaga ng apat na milyong piso, ay pinondohan ng DILG sa pamamagitan ng Support to Barangay Development Program sa pakikipagtulungan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sa kanyang mensahe, ipinaalala ni Mayor Mon sa komunidad na suportahan ang lehitimong pamahalaan.
Hinimok din nito ang barangay na ingatan at alagaan ang mga bagong proyekto.
Sa bahagi naman ni DILG Assistant Provincial Director Fortunato Legarde, sinabi nito na ang SBDP Projects ay kumakatawan sa Whole-of-the-Nation approach ng gobyerno na bigyang prayoridad ang kanilang pagtugon sa conflict-affected areas.