8 July 2024
Calbayog City
Provincial

Barangay kagawad patay sa pamamaril sa Bulacan

PATAY ang isang barangay kagawad makaraang pagbabarilin sa loob ng pag-aari nitong karinderya, sa bayan ng San Ildefonso, sa Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Joel Alvaro, singkwenta anyos, kagawad sa barangay Sumandig.

Ayon sa pulisya, magsasara na sana ng karinderya si Alvaro nang dumating ang gunman na nagpanggap na customer.

Nang pumasok sa tindahan ang biktima ay sinundan ito ng suspek saka limang beses na binaril. 

Politika ang isa sa mga tinitingnang anggulo ng mga otoridad sa naturang pamamaslang.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *