PATAY ang isang punong barangay makaraang pagbabarilin sa garahe ng kanyang bahay sa San Nicolas, Ilocos Norte.
Kinilala ang biktima na si Francisco Bagay, apatnapu’t limang taong gulang.
ALSO READ:
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Ayon sa mga awtoridad, nakaupo si Bagay sa garahe nang lapitan ng salarin na lulan ng motorsiklo saka sunod-sunod na pinaputukan ng baril.
Binawian ng buhay ang biktima habang nilalapatan ng lunas sa ospital habang nakatakas naman ang suspek.
Kabilang sa mga tinitingnang motibo ng mga awtoridad sa krimen ay pulitika at personal na alitan.
