PUMALO sa 20-month high ang bank lending noong Agosto, batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Lumago ng 10.7 percent o sa 12.25 Trillion Pesos ang Outstanding Loans ng Universal at Commercial Banks noong ika-walong buwan mula sa 11.07 Trillion Pesos noong Aug. 2023.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Ito rin ang pinakamabilis na growth rate simula nang maitala ang 13.7 percent noong December 2022. Ayon sa Chief Economist ng Rizal Commercial Banking Corp. na si Michael Ricafort, ang paglago ng lending ay bunsod ng rate cut ng BSP noong Agosto, na unang policy reduction sa loob ng halos apat na taon.