NAITALA ang pinakamabagal na paglago sa Philippine Bank Lending noong Setyembre, bunsod ng bumabang Loans sa Residents at Nonresidents, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Batay sa Preliminary Data ng Central Bank, umabot sa 13.704 trillion pesos ang Outstanding Loans sa Universal at Commercial Banks noong ika-siyam na buwan.
Mas mataas ito ng 10.5 percent mula sa 12.401 trillion pesos na naitala noong Setyembre ng nakaraang taon.
Gayunman, mas mababa ito kumpara sa 11.2% na paglago noong Agosto at pinakamabagal sa nakalipas na labing apat na buwan o simula nang maitala ang 10.4% Growth noong July 2024.




