NAIBABA na mula sa crash site sa Mt. Kalatungan sa Bukidnon ang mga labi ng dalawang piloto ng bumagsak na FA-50 fighter jet.
Ayon kay Lt. Col. Francisco Garello, tagapagsalita ng 4th Infantry Division, narekober ang mga bangkay at dinala sa Pangantucan, Bukidnon, saka ibiniyahe sa Cagayan De Oro City sa Misamis Oriental.
ALSO READ:
5 hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Lagonoy, Camarines Sur
Bulkang Kanlaon sa Negros, muling nagbuga ng abo
Batang babae, nailigtas mula sa nasawing hostage taker sa Marawi City
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Una nang inihayag ng Philippine Air Force na Martes ng madaling araw nang mawala ang fighter jet na may tail number 002 habang nasa tactical operation bilang suporta sa ground troops.
Miyerkules ng umaga nang matagpuan ang nawasak na aircraft, gayundin ang bangkay ng dalawang piloto sa bisinidad ng Mt. Kanlungan complex.
