Tumaas ang Balance of Payments (BOP) deficit noong Abril matapos magbayad ang pamahalaan ng foreign debt.
Sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, lumawak sa 639-million dollar deficit ang BOP position noong ika-apat na buwan mula sa 148-million dollar gap noong April 2023.
Kabaliktaran din ito ng 1.17-billion dollar surplus na naitala noong Marso.
Ang deficit ay nangangahulugan na mas maraming pondo ang lumabas habang ang surpus ay mas maraming pera ang pumasok sa Pilipinas.