4 February 2026
Calbayog City
Local

Halos P2-M na halaga ng smuggled na sigarilyo, nakumpiska sa Eastern Visayas noong Enero

PINAIGTING ng mga awtoridad sa Eastern Visayas ang kanilang kampanya laban sa smuggled cigarettes.

Kasunod ito ng serye ng mga operasyon na nagresulta sa pagkaka-kumpiska ng mahigit 1.9 million pesos na untaxed tobacco products sa buong rehiyon noong nakaraang buwan.

Ayon kay Col. Hector Enage, hepe ng Regional Operations Division ng Police Regional Office (PRO) 8, limang piso kada stick ang benta sa smuggled na sigarilyo kaya naging mas mabenta ito, maging sa mga menor de edad.

Nanawagan din si Enage sa publiko na tumulong para matigil na ang iligal na kalakalan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).