BUMAGSAK ang bahagi ng Flood Control Project sa Amulong, Cagayan sa Cagayan River.
Batay sa report, nasira ang bahagi ng proyekto sa Barangay Dugayong noong Linggo.
Nangyari ang insidente matapos ang ilang araw na tuloy-tuloy na pag-ulan sa lugar bunsod ng shear line.
Hindi pa tukoy ang contractor ng naturang Flood Control Project.




