2 November 2025
Calbayog City
National

Baguio City Mayor Benjamin Magalong, lumahok sa kilos protesta kontra korapsyon

NAKILAHOK si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa protesta ng iba’t ibang grupo sa Malcolm Square sa lungsod na humihiling ng Accountability sa pagwawaldas ng pondo ng gobyerno. 

Kinokondena ng mga raliyista ang mawalakang korapsyon sa Flood Control Projects ng pamahalaan.

Sinabi ni Magalong na dapat tuldukan ang labis na kasakiman ng mga pulitiko. 

Ikinatuwa ng alkalde ang pagkilos ng mga kabataan na lumalahok sa krusada laban sa korapsyon. 

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.