ININSPEKSYON ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang unang araw ng kanilang bagong traffic management scheme sa C3 Road sa Quezon City noong Lunes para i-monitor ang impact ng inilipat na U-turn slot.
Inilagay ng MMDA ang Northbound U-Turn slot, mas malapit sa Skyway off-ramp, bilang bahagi ng dalawang linggong dry run para masolusyunan ang pagkaipon ng mga sasakyan sa C3 Quezon Avenue intersection.
Sa ilalim ng trial configuration, ang bagong u-turn slot ay inilaan para lamang sa mga sasakyang palabas ng Skyway, at ang mga motorista sa Service Road ay kailangang dumiretso sa Maria Clara sa u-turn slot.




