INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mayroon nang panibagong pagkukuhanan ng enerhiya ang bansa.
Ito ay matapos ang matagumpay na drilling ng Camago-3 gas well sa Malampaya field na kayang mag-produce ng hanggang sixty million standard cubic feet ng gas kada araw.
Maliban sa mas stable na suplay ng kuryente, mapapababa rin nito ang presyo ng kuryente ayon sa pangulo.
Ayon kay Pangulong Marcos, mas maraming makukuhang gas ang Camago-3 kaysa sa Malamapaya East-1 Discovery.
At kapag pinagsama, inaasahang mapapahaba ng humigit-kumulang anim na taon ang operasyon ng Malampaya gas field.
Ayon sa pangulo, target na maihatid ang unang suplay ng gas mula sa Camargo-3 sa ikaapat na quarter ng 2026.
Samantala, sunod na target ng pamahalaan ang operasyon ng “Bagong Pag-asa” well na nasa 30 kilometers north ng Malampaya.




