Nanumpa na sa pwesto ang bagong kalihim ng Department of Transportation (DOTr) na si Vivencio ‘Vince’ Dizon.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang opisyal na panunumpa ni Dizon araw ng Biyernes, Feb. 21.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Dizon na kailangang madaliin ang mga nakabinbing prokekto ng DOTr dahil makatutulong ito para maibsan ang hirap ng mga mamamayan.
Partikular na tinukoy ni Dizon ang mga obig-ticket transport projects sa ilalim ng Build Better More (BBM) infrastructure program.
Ito rin aniya ang unang direktiba sa kaniya ng pangulo. Si Dizon ay itinalaga bilang DOTr Secretary kapalit ng nagbitiw na si Jaime Bautista.