Nagsagawa ng buy bust operation ang Pinagsanib na Elemento ng Catbalogan CPS-SDET at SPPO PDEU kasama ang PDEA-8 Samar Provincial Office sa Brgy Muñoz, Catbalogan City, Samar bandang 5:10PM ng Setyembre 20, 2023.
Kinilala ang mga suspek na sina Leoncio Quitalig Cadano at Genalyn Ebias Betiola drug surrenderee.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang ilang pcs sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit kumulang sa 3.36 gramo na may tinatayang market value na Php27,000.00.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at pansamantalang nakakulong sa Catbalogan CPS Lock-up Facility.