ISANG babae ang nasugatan matapos mabagsakan ng drone sa ulo, sa ikalawang araw ng Anti-Corruption Protest sa EDSA People Power Monument, sa Quezon City, kagabi.
Mabilis namang nabigyan ng atensyong medikal ang female protester.
ALSO READ:
PNP-DEG, nanindigang lehitimong shootout ang nangyaring Buy-Bust sa Quezon City
UPI, aminadong nilabag ang kasunduan sa kanilang Permit to Rally sa Quezon City
Hanggang 30% ng Metro Manila, malulubog sa baha pagsapit ng 2040, ayon sa pag-aaral
MMDA naka-monitor sa mga lansangan sa Metro kaugnay ng INC Rally
Agad ding kinumpiska ng Quezon City Department of Public Order and Safety ang drone matapos ang insidente.
Ayon kay Major Jennifer Ganaban, Public Information Office Chief ng Quezon City Police District (QCPD), bini-beripika pa nila ang reports kung ang drone ay mula sa organizers batay sa impormasyon ng ilang saksi. Sinabi naman ng mga kaibigan ng biktima na pauwi na sila sa Pampanga nang mangyari ang insidente.
