2 July 2024
Calbayog City
Metro

Babae maswerteng nakaligtas matapos  bahagyang pumailalim sa tren ng LRT-1

ISANG babae ang masuwerteng nakaligtas matapos bahagyang pumailalim sa paparating na tren sa Doroteo Jose Station ng LRT-1  sa Maynila.

Mula sa platform ay nahulog umano ang babae sa riles at mabuti na lamang ay naging alerto ang guwardiya at agad nitong nasenyasan ang operator ng tren kaya agad nakapagpreno.

Sa viral video sa social media, noong Martes, makikitang nakaupo sa gitna ng riles ang babae habang papalapit ang tren na mabagal na ang takbo.

Agad na dinala ng mga tauhan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang pasahero na nagtamo ng kaunting sugat.

Ayon sa Manila Police District, nahilo at nawalan ng malay ang babae kaya nahulog sa riles, taliwas sa naunang impormasyon na tumalon ito.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *