NAKIPAGPULONG si Mayor Raymund “Monmon” Uy sa mga kinatawan ng Petron para sa pagsasapinal ng implementasyon ng Fuel Subsidy Program para sa Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) sa Calbayog City.
Ginanap ang pulong kahapon, March 17, sa CMO Conference Room.
Magsisilbing official partners ng LGU ang Petron stations sa Tinambacan, Cagsalaosao, Capoocan, Obrero, at Carayman, sa pagpapatupad ng subsidiya.
Batay sa pinag-usapan, ang benchmark price ng gasolina bago ang krisis sa Middle East ay 58 pesos per liter.
Sa ilalim ng subsidy scheme, patuloy na ma-a-avail ng mga tsuper ang naturang presyo, habang babalikatin ng city government ang sobrang singil na dulot ng price increase.
Magsisimula ang programa, ngayong Miyerkules, upang matiyak ang agarang tulong sa mga miyembro ng TODA.
Binigyang diin sa pulong na hindi kasama sa subsidiya ang mga colorum operators.




