INAKO ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang “full responsibility” sa ipinatupad na war on drugs noong panahon ng kaniyang administrasyon.
Sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee, idinepensa ng dating pangulo ang drug war.
ALSO READ:
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Ayon sa dating pangulo, inaako niya ang buong responsibilidad sa mga nagawa ng mga pulis na base sa kaniyang kautusan.
Sinabi ng dating pangulo na ang pagpapatupad ng war on drugs ay layong protektahan ang bansa at ang mga mamamayan.
Ang layunin aniya ng war on drugs ay para protektahan ang mga inosente at mga walang kalaban-laban. Layunin din nitong masugpo ang ilegal na droga gaya ng shabu, cocaine, heroin, marijuana, party drugs at iba pa.
