PLANO ng North Korea na maglunsad ng tatlo pang Spy Satellites ngayong 2024 bilang bahagi ng pagpapalakas sa kanilang militar, ayon sa report ng State Media.
Noong Nobyembre ay matagumpay na nakapaglagay ang Pyongyang ng Spy Satellite sa orbit at ipinagmalaking nagbibigay ito ng mga larawan ng malalaking US at South Military Sites.
Nagsagawa rin ang North Korea noong nakaraang taon ng record-breaking na bilang ng weapon tests, kabilang ang paglulunsad noong nakalipas na buwan ng pinakamalakas nitong Intercontinental Ballistic Missile (ICBM), bunsod ng lumalakas na banta mula sa Amerika.
December 2023 nang dumating sa Port of Busan sa South Korea ang US Nuclear-Powered Submarine, at pinalipad ng Washington ang kanilang Lone-Range Bombers sa drills kasama ang Seoul at Tokyo.